Ang Tatak Ng Matatag na Pilipino (by Chester Diaz)

 
I've been inspired on this comment/message that Chester Diaz posted on a photo they recently posted on Kapuso Mo, Jessica Soho's Facebook page.
 
Check out his message of The Bayanihan Spirit that Pilipinos never forget.
 
Ang Tatak Ng Matatag na Pilipino
(ni Chester Diaz)
 
 
Marahil nga ba'y nalaman natin ang balita sa pamamagitan ng social networks tungkol sa bangis ng bagyong Yolanda na tumama sa buong kalupaan ng Visayas sa bansang Pilipinas. Kahit nawalan sila ng mahal sa buhay, kabuhayan at iba pa ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil sa matinding pananalig sa Maykapal.

Naranasan natin na nandoon tayo sa dating tirahan sa Pilipinas katuwang na ang bawat lindol, baha, landslide, at iba't ibang sakuna. Hindi tayo nalugmok sa ganyang sakuna at kalamidad dahil may kasama nating ngiti na nangangahuluga'y ang bawat emosyon at pag-iisip ay pawang POSITIBO. Dito natin ipinapakita at ibinabahagi natin sa buong daigdig kung gaano tayo naging matatag ang bawat Pilipino sa gitna ng matitinding unos.

Ang tatak ng matatag na isang Pilipino ay masunurin sa Dios, matulungin, matiisin at marunong magpatawad at mapagpakumbaba. Kahit mahirap ang bansang Pilipinas bagamat mayaman ang bansang ito sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na itinuro sa atin ng apostol na si San Pablo sa taga-Corinto (1 Cor 13:13). Kahit di tayo tinutulungan ng ating pamahalaan at grupong pangrelihiyon, tayo rin ay nagdadamayan sa isa't isa sa pamamagitan ng bayanihan di lamang sa Pilipinas kundi sa sulok ng daigdig sa gitna pa rin ng matitinding kalamidad.

Hindi tayo nasisiyahan sa salapi kundi tulungan natin ang lahing Pilipino na maiahon sila sa lugmok na kahirapan. Nakikita ko ang bawat Pilipino sa panahong ito ay nagtatagumpay tayo sa iba't ibang larangan dahil sa marangal na hanapbuhay. Ang Pilipinas ay hindi Third World Country kundi "World Class" sa mabubuting asal at gawa. Huwag tayong makikinig sa mga haka-haka o walang kabuluhan ng ilan na magiging ugat ng pagkakabahagi at pag-uusig laban sa pakikiisa sa pagka-Pilipino.

Maraming salamat po at pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.

Comments

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

INFOGRAPHIC: Nestlรฉ Cream's Make Sunday the Best Day: Creamy Spaghetti

Calling All BTS ARMY: Help Make My Birthday Dreams Come True!