My Holy Week

Minsan, Ang Holy Week ay parang ordinaryong araw din sa ilan...
Some of us just stay at home and do everything or do nothing at all.
Pero sometimes they got a perfect time to pray for thier Saviour, Which is Jesus Christ or Hesu Kristo sa tagalog.
But, for me, I don't like to waste some blessful time to take a stand and find the Strength to the Lord.
Here is what happened on the whole Holy Week.



March 25, Monday

I started a morning with some... MEAT. (period!)

Yup, my breakfast is just rice and corned beef.

But a few hours later, before I sleep in nanay's room. I just watch The 700 Club Asia's special presentation for the upcoming Holy Week. Tanikala's Panata, starring our very own beauty queen, host of the program and actress, Miriam Quiambao.


March 26, Tuesday

I woke up in another dish of MEAT!

Well this time, Hotdog naman. But it's alright, it's not yet Maundy Thursday, of course.

Sabi pala ni Tita Jen na gusto N'ya pala akong magupit ng buhok ko para  mapresko ang buhok ko. 
Well I can if I would to.  

An afternoon later, I ate a delicious favorite of mine. 
The Quaker Real Medleys Cherry Pistachio Oatmeal + bananas and some Nestlรฉ Milo equals… Quaker Real Medleys Trio!

Cool recipe, huh?

Nanood ako uli ng The 700 Club Asia that night, at ang bagong nilang Tanikala offering, Dilim, starring the former Starstruck avenger Sheena Halili as Jenny.

I've been Blessed already by watching that.

March 27, Wednesday

(No-Meat Wednesday! YAY!)

I woke up again this time in a healthy breakfast.

Kasama sa masarap na kanin ang masarap na fried boneless bangus. Delicious!

Before the night ended. I watched the last part of the Tanikala series on The 700 Club Asia, Bulong, Starring Mike Tan which he will also starred in a new story for Tanikala V, Ama Namin,  joined with another Starstruck Avenger, Diva Montelaba.


March 28, Maundy Thursday

It's Maundy Thursday. At nagising ako sa isang yummy but sometimes Healthy Na Breakfast.

Merong corned at 
pati canned tuna, at instant beef noodles which is my dish, samahan pa Ito ng delicious at refreshing Nestea! Yummy!

And because it's Maundy Thursday meron ding mga TV Specials minsan.
Including "The 8th Word" ni Father Bo Sanchez, remember him? He is the editor in chief of Kerygma Magazine. And he is also the founder of what they called to him… 
the Preacher in Blue Jeans.
Ito ang online site Na maraming Preachers ang ma-share ang kanilang  experiences and pass them over to God via their website.
He is also the founder of Sheperd's Voice Productions and Publications.

Minsan, meron din mga pinapalabas Na mga pelikula. In TV 5, lahat ng mga pinalabas nila, mga foreign movies Na swak sa buong pamilya at natuturo pa ito ng mga kasaysayan mostly including the story about The death of Jesus Christ.

Sa ABS-CBN at GMA naman in the other hand, pinapalabas naman nila ang mga Pinoy Films. Ilan sa mga ito, nag-premiere lang dito pag Semana Santa.

I'm also shocked that meron din palang Bayan Ko replay sa GMA, 3 episodes pa ang pinapalabas ha!

GMA and CBN Asia also teamed up for the newest batch of stories which was called "Tanikala V". It begins on that day until Black Saturday.

Sa hapunan, kumain kami ng famous comfort food of the Philippines, ang Champorado!

Combine with yummy and soft bread and poured with milk, Naging mas masarap ang pamosong Champorado.

March 29, Good Friday 
(Prusisyon Day)

This is one event that everyone can join all around the Philippines. It's Prusisyon.

Dito nga sa Bataan, meron kaming nakitang mga Tao na pumunta sa aming fifth station. Dala pa namin ang dalawang orange candles. 

A few hours later, nagsimula Na kami  umuwi papuntang Olongapo city gamit ang isang mini bus. At doon, nakikita ko ang mga taong di ordinaryo sa mini bus. Merong isa na hawak n'ya, isang motorcycle battery box. Ngunit hindi ang mismong motorcycle battery ang laman kundi, isang ibon na nasa loob nito.

Habang papunta kami ng Olongapo, meron kaming nakita na nagpapalo sila sa likod. Yun pala, may penitents  pala sa Roosevelt. Hmmm, bakit naman kaya ganun?

Nandun na kami sa Olongapo at simula agad kaming maghanda para sa napakahaba pero puno ng pag-asa at importante  na okasyon.

Pero agad ito, bigla akong nagutom. At doon, nag-enjoy ako sa paborito ko nang snack. Ang Jollibee Tuna Pie at isang Chocolate Flip Float. Sarap!

Nandun din ang aming tinatawag ko na dagdag-pamilya. (Sorta.)

Most includedly si ate marie, kuya calvin, ate kat-kat, kuya gerald (anderson! :p) at iba pa.

Si daddy naman ay isa sa mga tagapagdala ng kanilang rebulto, Hindi ko lang alam Kung anong rebulto ang dinala nila sa gabing 'yon.

Nagsidaanan na ang mga rebulto papunta ng Ulo ng Apo, nilitrato ko ang bawat pagdaan sa mga mabigat pero puno naman grasya na mga rebulto, habang dumaan na kami doon, patuloy ang paglitrato sa mga rebulto na ito hanggang nadaan na namin ang Ulo ng Apo.

Doon, nakuha ko ang litrato ni San Pedro Apostol (remember, hindi San Pedro Calungsod!) nabighani ako nakita kong rebulto.

Nagsimula na ang Prusisyon nang nadatnan namin si Ms. Fina Tablan mula sa Team Gordon Helps. may kasama pang kotse ang grupo. Kakausapin ko sana siya pero ayoko muna.

Habang inaantay namin magsimula ang Prusisyon, nagpasaya muna kami. Ako nga, kunwari ako naging Statue of (Pinoy) Liberty. Nag-lupang hinirang ang style di' ba?

Nakita ko din ang isang ate, hawak Niya ang isang iPhone na Pinoy pa ang tema. Kinuhanan ko ang Pinoy iPhone niya.

Wala pang ala-sais ng gabi nang magsimula na ang Prusisyon. Wala pa ring pagbabago. Parehong ruta na dadaanan. Pareho pa rin ang kanilang pinagdadasal na sana, Makumpleto na nila ang prusisyon.

Habang nagpapatuloy kami sa paglalakad, parang story-telling na ang naganap. Nagshare kami ng mga nangyari sa amin. At nakita din namin ang ilang lugar na dati namin pinuthan nung bata pa kami. Nakita ko rin ang ilang tao na napundi ang ilaw ng kandila nila. Kaya naisip ko na pasindihan ko sila para may Liwanag pa rin sila sa gitna ng bawat paglalakad.

Palapit na sana kami sa pagtatapos ng Prusisyon nang biglang iihi na sina kuya Calvin at si kuya Kai-Kai, yun tuloy, Hindi nila kinumpleto ang Prusisyon dahil dun sa nangyari. (:p)

Nagtatapos na naman ang isang mahabang paglalakad mula sa Ulo ng Apo diretso sa Saint Joseph Church. Habang ang ilang kaibigan ko ay nakita ang mga rebultong dadaan sa Simbahan, ako naman ay umupo sa isang tindahan, masakit na ang aking mga paa para lang kay Hesus na namatay dahil lamang sa aming ginawang mali, at yun ang dahilan kung bakit nagpapako si Hesus sa Krus at nabuhay muli para lang sa Atin.

Nandun din si Mommy, late lang siya dumating.
Nagkikipag-chikahan na naman sa kanyang mga kaibigan pero fine alam ko na may ipapasabog pa siya!

Oo nga pala, may maliit na bukol sa dila ang Mommy ko, may problema pa siya sa kanyang lalamunan. Mahirap ba kamo? Mas mahirap pa d'yan, dahil anim na araw s'yang nag-trabaho sa Freeport Exchange para lang sa amin. 

Alam ko sa inyo na mahirap talagang Magtrabaho na kahit weekend, imbes na magrelax ka, trabaho lang ng trabaho ang Gagawin mo. Nakakalungkot di' ba?

Now back to the story...

Pabalik na ang isang Rebulto na si Daddy mismo ang isa sa mga nagsilbing mga Tagapagdala. Mayron pang rosas sa bawat sulok nito.

Pauwi na kami nang dumating naman ang burol ni Hesus. Hinawakan namin at hinalikan ko pa ang paa ni Hesu Kristo (dapat may kasamang sign of the cross pagkatapos.)

Nagpunta kami sa Bahay ni lolo Purok. Nakita ko silang nanood sila ng isang (nakakatakot!) na pelikula. Habang si kuya Calvin, practice siya ng practice sa kanyang gitara. Hmmm… May interest kaya siya sa musika?

Umuwi na kami sa kanilang bahay. At nung papunta na kami sa pilahan ng mga jeep, Puro brown ang kulay ng mga jeep! (Tipo-New Cabalan-Palengke)
Mahirap palang makapunta sa Bataan kapag walang jeep na white and green ang kulay.

Habang nag-aantay ng jeep, mayroon akong nakita na isang pulubi na hindi ko mabibigay ang buong pangalan at litrato para rin sa seguridad ng nagmamalimos na ito, naglilimos lamang siya ng pera para lamang sa kanyang pamilya. Nagkwela lang kami tungkol sa palimos, ngunit nang makita ko ang isang pulubi sa likuran, agad kong naisip na bigyan ko s'ya ng isang surpresa. Kahit maliit lang.
Dalawang packs ng crackers ang binigay ko sa nagmamalimos. Ngumiti ang nagmamalimos. At ako naman ay parang isang Good Samaritan dahil sa nangyari.

Dun ko pa naalala noong nag-birthday pa ang aming lolo last febuary, meron akong napansin ng isa rin nagmamalimos kinuhanan ko ang nangyari sa kanya sa aking iPod touch. At gusto ko lang humungi ng tulong n'yo para sa Lola na ito.

Natapos na naman ang aking araw na merong kahulugan at kasabihan ng Tunay na pagpapala ni Hesus.

And from there on, I learned how to take and face the disciplines, trials and troubles that will come in the future.

March 30, Black Saturday
(Or Sabado de Gloria in Pilipino)

Isang araw, masakit pa rin ang paa ko. Pero, ok lang yun. Dahil sabi nga ni Hesus na kailangan magsikap o kahit minsa'y abutin ang pangarap na magpakailanma'y hindi magbabago.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Tatak Ng Matatag na Pilipino (by Chester Diaz)

INFOGRAPHIC: Nestlรฉ Cream's Make Sunday the Best Day: Creamy Spaghetti

Calling All BTS ARMY: Help Make My Birthday Dreams Come True!